‘Kailanman hindi ko itinanggi na ako’y anak ng isang kasambahay at construction worker…’ This Fresh Graduate Inspired Many People Because Of His Moving Story!

A person who is determined to achieve his dream will do everything that they can to prove that they are deserving of such success. Indeed, successful people value education more than anything else. For them, having the opportunity to finish their studies is considered to be the greatest thing that happened in their lives. Take it from this Far Easters University graduate, Brenth Evangelista.

Brenth cheerfully shared his experiences and his hardships before he received his college diploma.

via facebook.com/profile.php?id=100007223347444

“Kailanman hindi ko itinanggi na ako’y anak ng isang KASAMBAHAY at CONSTRUCTION WORKER. Ipinagmamalaki ko sila dahil sila ang aking pinagmulan. Kung kaya’t bata pa lamang ako, minulat na ang aking mga mata sa katotohanang ang buhay namin ay iba sa takbo ng buhay ng mga taong nag-aaral sa aking unibersidad.

Sa murang edad, pinilit kung matutunan ang lahat ng gawaing bahay habang sinasabayan ito ng pagbabasa at pag-aaral. Ang aking kabataan ay iba sa pangkaraniwan. Limitado ang oras ng aking paglalaro, minsan patakas pa. Prioridad kasi ang pag-aaral at pagtulong sa gawaing bahay. Sa bawat hagod ng walis at dampi ng basahan, ay siyang dalangin ko na balang araw ay makakapagtapos at magbabago rin ang takbo ng aming buhay.

Isiniksik ko sa aking munting kokote ang ideya na kailangan kung mag-aral ng mabuti kung gusto kong makapag-aral ng kolehiyo. Kung kaya noong sekondarya, pinilit kung makapasok sa over-all Top 10 ng aming batch. Maraming Salamat sa panginoon at hindi niya ako binigo, nagtapos ako bilang 3rd Honorable Mention. Dahil dito, ako’y pinalad na makatanggap ng scholarship mula sa aming lungsod na siyang naging daan para ako ay makapag-aral sa FEU (Ang aking Pangarap na Paaralan). Pinalad din ako sa FEU na mabiyayaan ng Scholarship. 6/8 Semesters akong Academic at Tuition Discount grantee. Kahit mahirap, pinilit kong itawid ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng dalawang scholarship na ito.

Hindi naging madali ang buhay kolehiyo para sakin. Bagkus, dito ko naranasan ang mga tunay na hamon ng buhay. Naalala ko nga, nung nag-apply ako bilang 1st Year representative ng IIASC. Singkwenta pesos lang ang baon ko non. Nagkataon na nagka-ayaan ang mga applicants na kumain sa KFC. Kinabahan ako dahil nahihiya akong magsabi na hindi ako makakasama dahil kulang ang pera ko, kung kaya ako ay nagpanggap na susunod na lang sa kfc at naglakad ng mabilis para makasakay na agad sa darating na bus.

Maraming pagsubok lalo na ang mga unang taon ko sa Unibersidad. Nandiyan ang maranasan kung pumasok na Kwarenta pesos lang baon (Trenta ang pamasahe Sampu pangkain). Diet ako non kasi tubig all day ako. Naranasan ko rin na kumain ng siomai rice sa loob ng isang sem. (Walang Palya, Straight Araw-Araw). Nariyan rin na kapag may group project at kailangan mag-ambagan o bayaran, sinasadya ko na ako ang may pinaka maraming gawin para lang hindi ako magbayad.

Noon, magiliw ko lamang na sinusulat sa likod ng aking kwaderno ang pangarap kong ito. At ngayong ako’y magtatapos na, nais kong balikan at pasalamatan ang lahat ng tao na gumabay at hindi ako iniwan upang abutin at isakatuparan ang mga pangarap ko.”

via facebook.com/profile.php?id=100007223347444

He then thanked everyone who became a part of his colorful journey.

“Sa iyo, Panginoon. Maraming Salamat dahil hindi po kayo napagod na ako ay gabayan. Maraming Salamat po sa pagpapahiram ng talento, talino at determinasyon. Ang lahat ng ito ay utang ko sayo. Sa lahat ng pagpapala at pag-gabay, salamat po at hindi niyo ako iniwan hanggang sa huli.

Sa aking pamilya. Mama, maraming salamat sa labing anim na taong pag-aalaga at pag-aasikaso sa akin. Sa walang sawa at walang pagod na pag-papaalala ng kahalagan ng edukasyon. Sa pagsuporta sa mga timpalak, aktibidad at defense na aking pingdaanan. Sa walang sawang pagdarasal na sana ay umuwi akong matagumpay at ligtas. Nagbunga na rin ang ating paghihirap, Gagraduate na ako at natupad na ang pangarap mo. Tita, maraming salamat sa pag-alalay sakin mula sa umpisa. Sa pagpapahiram ng laptop at pamasahe kapag medyo tight kami. Maraming salamat sa tiwala at suporta. Hindi mo lang alam kung ilang quizzes, exams at graded recitations ang sinagip mo. Papa, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo. Alam kung mahirap ang magtrabaho ng malayo sa pamilya, ngunit iba ka. Muli, Maraming Salamat po.

Sa SYDP at Quezon City Taxpayers. Congratulations po at may napagtapos ulit kayo. Maraming Salamat po sa pagpa-paaral sakin. Salamat po sa apat na taong pagtawid ng aking tuition at allowance. Kayo ang mga makabagong bayani ng ating lungsod. Pagbati sa inyong mabubuting loob!

Sa aking mga guro at Propesor. Maraming salamat po sa pagtitiyaga at pagbabahagi ng inyong karunungan sa akin. Sa pagtayo bilang aking mga pangalawang magulang na walang sawang gumabay sa akin sa loob ng labing-anim na taon. Maraming salamat sa pagtitiwala sa aking kakayahan. Ang tagumpay ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa inyo.

To my IABF-SAMASA Family. Maraming salamat po sa tiwalang ibinigay niyo sakin. Marahil, ako ngayon ay isa pa rin sa mga normal na estudyante kung hindi dahil sa inyo. Pinatunayan niyo na ang political party sa ating paaralan ay hindi lamang basta para sa Politika, kundi isang masaya at mapagakalingang pamilya.

To my mentors. Kuya Cliff, Kuya Ivan, Kuya Mark Roma at Kuya Keannu. Maraming Salamat po sa tiwala. Maraming salamat dahil nakita niyo po ang potensyal ko bilang isang student leader. I am the student leader I am today because of you. Ngayon po ay naniniwala ako na ang simpleng estudyante ay kaya ring mamuno at ibigay ang sarili niya para sa pagseserbisyo sa iba.

To my college friends – Tropang K. Maraming Salamat! For making may early years in college extraordinary. People come and go, but not you guys. Congratulations sa inyo! Huwag niyo akong kakalimutan.

To my squid, You guys are the best! You guys are the dream team! You guys are absolutely wonderful and amazing. Wala na akong mahihiling at hahanapin pa. Masaya akong kayo ang nakasama ko sa to my entire college life. Congratulations, We made it! Yung business natin, ituloy na! Hahahahaha

To the FEU Junior Marketing Association and Marketing Community. Maraming Salamat at Binigyan niyo ako ng pagkakataon para pamunuan kayo. Maraming Salamat dahil binago niyo ang dating ako at ipinakita niyo sa akin ang mga bagay na akala ko ay hindi ko magagawa. Ikinararangal ko kayo at ang lahat ng aking nagawa para sa inyo. Ang tagumpay ko ay tagumpay niyo rin. Hindi ako nagkamali na ako’y nagshift. You are the best support, and we are one of the bests in IABF!

Bilog ang mundo. Marahil ngayon, nasa ilalim tayo pero hindi ibig sabihin ay tatanggalan na natin ng karapatan ang ating sarili na mangarap. Dasal at Paniniwala. Puso, Pangarap, at Pagsisikap. Yan ang naging sandata ko sa hamon ng buhay. Kung kaya ko, Kaya mo rin!

Kim Brenth L. Evangelista

[REDACTED]

Far Eastern University – Manila

BSBA Major in Marketing Management

Batch 2017 – Almost Cum Laude (.09 nalang)

Governor, Philippine Junior Marketing AssociationPresident, FEU Junior Marketing Association ’16-17′

President, FEU Junior Marketing Association ’16-17’1″

Were you inspired by his dedication and perseverance? What can you say about his journey? Share your opinions in the comments section below.

SOURCE: Facebook

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *